Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

Committee on Basic Ecclesial Communities

Tagalog Version

Introduction

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has designated 2017 as Year of the Parish as Communion of Communities. As part of the preparation and celebration, the diocesan, vicariate and parish BEC Formation Teams are encouraged to conduct formation sessions that will promote or revitalize the Basic Ecclesial Communities (BECs) in their respective dioceses, parishes and local communities. Some have already their own formation modules and while others are looking for one. Thus, we have come out with this BEC Evangelization Modules which they may find useful. This is the Cebuano version.

There are nine sessions and they can be conducted as an intensive week-end seminar, or for nine consecutive evenings or by installment over several weeks. It is best that it be given first to the members of the diocesan/parish BEC formation teams and core-groups. The formation teams can then facilitate this at the barangay level or purok level in the BEC chapels if they have any. Streamers and posters can be dissiminated to inform the people about it. The parish priests and/or their parochial vicars should accompany the members of the formation team as they conduct these formation sessions – even if not the whole time. This is an expression of the missionary nature of the parish – mission/evangelization conducted within the parish.

The members of the formation team should come together before each session to pray for divine assistance and guidance. Above all, they should pray that through these sessions, the hearts and minds of the participants will be touched, personal conversion experienced and the BECs will grow and be renewed.

The modules are not written in stone, so we leave to the BEC Formation Teams to modify the process, be more creative, add songs and make it suitable to the audience. The content for the input are the basic ideas so those giving these lectures may add their personal experience, illustrations and stories.

These modules may be used not only during the Year of the Parish as Communion of Communities but also even after it as a way of forming BECs or revitalizing these.

Fr. Amado L. Picardal, CSsR

Executive Secretary

CBCP-BEC Committee

Daloy ng mga Gawain

1.  Pagtanggap at Oryentasyon
2.  Pambungad na Awit
3.  Pambungad na Panalangin
4.  Pagbasa ng Ebanghelyo: Marcos 8:27-29 ff
5.  Pansariling Pagninilay (habang nakatingin sa imahe ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus) na may saliw ng musikang instrumental
6.  Pagbabahaginan sa maliit na grupo (Ang mga kalahok ay hahatiin sa maliliit na grupo na may lima hanggang pitong kalahok bawat grupo. Kung nais nila, maaaring maghanda sila ng natatanging pamamaraan ng pagbabahagi nito sa malaking grupo.)
7.  Pangkalahatang Pagbabahaginan
8.  Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input (mula sa isang tagapagsalita
9.  Tahimik na pagninilay na susundan ng panalangin ng pagpapasalamat (mula sa isa sa mga kalahok)
10. Pangwakas na Panalangin

Pagtanggap/Panimula

Ang tema ng ating unang sesyon ay: Pakikipagtagpo Kay Hesus.

Bakit ba natin dapat pag-usapan at pagnilayan si Hesus?

Dahil Siya ang sentro n gating pananampalataya at Siya ang sentro ng ating Simbahan – ng Kristiyanong Pamayanan.

Ang ating programa ng Bagong Ebanghelisasyon at dapat nakasentro at nakatuon sa pagkilala at pakikipagtagpo kay Hesus upang makasunod tayo sa Kanya at makapamuhay bilang kanyang mga alagad.

Ayon sa Mensahe ng Synod of Bishops sa Bagong Ebanghelisasyon:

“Ang pagdadala sa lahat ng tao patungo kay Hesus, upang makasalamuha at makatagpo nila, ay isang pangangailang nagmumula sa lahat ng panig ng mundo, yaong ng mga nauna at ng mga bagong ebanghelisasyon.

Tinatawag natin angating mga sarili bilang mga Kristiyano. Ngunit gaano nga ba natin kakilala si Hesus?

Paano natin siya nakakatagpo at nakakasalamuha sa ating buhay?

Namumuhay ba talaga tayo bilang kanyang mga alagad?

Tayo ay magtitipon bilang isang pamayanan sa mga susunod na gawain na tutulong sa atin upang makilala at makatagpo si Hesus.

Inaasahan na bilang bunga nito, mapapanibago nito ang ating mga buhay at magsusumikap na makapamuhay bilang mga tunay at tapat niyang alagad – bilang kabahagi ng Simbahan at ng mga Basic Ecclesial Communities (BEC).

Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input (#8)

(Ang tagapagsalita ay maaaring magsimula ng pagpapalalim at pagbibigay ng input sa paamagitan ng pagbubuod ng mga naibahagi sa pangkalahatan. Narito ang ilang mga puntos para sa pagbibigay ng input.)

Ayon sa PCP II ang pangunahing tanong ay:

Paano tayo mamumuhay bilang mga Kristiyano? Paano tayo makakapamuhay bilang mga Pilipinong Katoliko?

Ang sagot ay magdadala sa atin sa persona at pagkatao ni Kristo.

Nagbibigay ng buod ng Kristolohiya ang PCP II tungkol dito na muling bumabalik mula sa Kredo:

Hesus ng Nazaret, lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Santa Marian Birhen.

Hesus na nangaral at gumawa ng mga himala.

Ipinako sa krus at ipinagpakasakit ni Pontio Pilato, namatay, nanaog si kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na mag-uli.

Hesus na nabubuhay at naghahari sa kanan ng Ama – ngunit nananatili sa piling natin.

Ayon sa PCP II: “Paano mamumuhay bilang mga Kristiyanong Katoliko:

KILALANIN, MAHALIN, SUMUNOD kay Kristo sa Simbahan.

Ito ang dahilan kung bakit natin kailangan pagnilayan ang MUKHA at ang PUSO ni Hesus

Upang muli nating balikan ang kanyang kwento

Upang buong katapatan at paninindigan natin itong maibahagi sa ating kapwa.”

Pagsasalaysay ng Kwento ni Hesus

(Kung mayroong LCD projector, maaaring ipakita ang isang maikling video tungkol kay Hesus mula sa youtube.)

Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahatng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman…

Ang Salita ay nagging tao at nanirahan sa piling naming. Nakita naming ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

(Juan 1:1-5, 14)

Si Hesus, Anak ng Diyos, ay isinugo ng Ama alang-alang sa kanyang pagmamahal at pag-ibig

Siya ay ipinaglihi, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.

Ipinanganak kabilang sa mga mahihirap, at lumaki kabilang sa mga mahihirap na taga-Nazaret

Siya ay lumaking tulad natin.

Sa pagbibinyag sa kanya, ipinahayag ng Ama na Siya ang kanyang bugtong na Anak at napuspos ng Espiritu Santo

Matapos ang kanyang pagtigil at pag-aayuno sa ilang ay sinimulan na Niya ang kanyang ministeryo.

Tinawag Niya ang kanyang mga unang alagad na naging kasa-kasama niya sa pagpunta sa iba’t ibang bayan ng Israel.

Ipinahayag niya ang pagdating ng kaharian ng Diyos

lalo na sa mga mahihirap

sa pamamagitan ng kanyang mga Salita at Gawa

na konkretong ipinapakita sa kanyang mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demonyo

at isinisimbulo ng kanyang pakikisalo.

Tinuligsa niya ang mga kasalanan at kasamaan sa lipunan,

Kaya’t nakabangga niya ang mga nasa kapangyarihan.

Ang pagpasok Niya sa Jerusalem at pagpapalayas sa mga nagpapalit ng salapi ay ikinagalit ng kanyang mga kaaaway.

Kumain Siya ng huling hapunan kasama ang kanyang mga alagad

Kung saan inialay niya ang tinapay at ang alak –

tanda ng kanyang katawan at dugo –

na kanyang lubusang iaalay sa kinabukasan.

Hinugasan niya ang mga paa ng kanyang mga alagad – na

Simbulo ng kanyang buhay at kamatayan –

Buhay na punung-puno ng pagmamahal sa paglilingkod na lubos na ipinakita ng kanyang kamatayan.

Ipinagkanulo siya ng isa sa kanyang mga alagad,

Iniharap sa Sanhedrin at sa Gobernador ng Roma, ipinako sa krus bilang isang criminal at namatay, biktima ng kawalang-hustisya.

Nang maka-ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli

Umakyat sa langit at inatasan ang kanyang mga alagad na ipagpatuloy ang kanyang misyon.

Siya ngayong ay naluluklok sa kanan ng Ama.

Ang Kristong muling nabuhay ay patuloy na nananahan sa piling natin: “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Siya ay nasa ating kasaysayan at sa kwento ng buhay ng bawat tao.

Maari natin siyang makatagpo at makasalamuha sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Siya ay kapiling natin sa ating Kristiyanong Pamayanan – ang Simbahan – na kanyang katawan.

Siya ay nasa mga Banal na Sakramento – lalo na sa Banal na Eukaristiya

Maaari tayong dumalangin sa kanya at siya ay nakikinig sa ating mga panalangin.

Siya ay nasa mukha ng mga dukha at mga nangangailangan:

“Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinutulungan.”

At sa wakas ng panahon, muli siyang babalik sa kaluwalhatian at huhukom sa mga nabubuhay at nangamatay na tao.

Isasakatuparan niya ang kanyang pagtubos sa atin at siya ay lubos na magtatagumpay mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kasamaan.

Hesus ng Nazaret: Ang Kanyang Karakter at Personalidad

1.  Pagkiling para sa mga Dukha

Si Hesus ay ipinanganak na kabilang sa mga dukha at lumaking kaisa nila

Siya ay naging isa sa mga dukha, siya ay nakiisa sa kanila

Ipinahayag niya ang mabuting balita ng kaharian/paglaya sa mga dukha

Karamihan ng kanyang mga pinagaling at pinakain ay mga mahihirap

Ibinilang niya ang kanyang sarili sa mga mahihirap (nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinutulungan)

2.  Pagiging malapit sa Kalikasan

Malapit siya sa kalikasan, maayos ang pakiramdam sa kagubatan at kabundukan.

Wala siyang permanenteng tahanan, palagi siyang kumikilos at naglalakbay

3.  Nananalangin

Iginigugol niya ang marami niyang panahon ng pananahimik, pag-iisa at pananalangin sa mga kaparangan, kabundukan at sa ilang.

Ito ay nagpapakita ng kanyang maayos na relasyon at pakikiisa sa Diyos Ama na tinatawag niyang ABBA

4.  Nakikisalo kasama ang kanyang mga kaibigan

Hindi siya mapag-isa katulad ni Juan Bautista

Minsan lamang siya mag-ayuno, at madalas ay kasalo ng kanyang mga kaibigan.

Ang pakikisalo niya sa hapag ay bahagi ng kanyang ministeryo:

Ito ay simbulo ng kanyang pakikipagkaibigan at pakikiisa sa mga tao

5.  Malalim na pakikiisa/pakikipagkaibigan sa iba

Si Hesus ay isang taong may kakayahang makipagrelasyon ng malalim sa iba. Nagagawa niyang pakisamahan ang iba bilang kanyang mga kaibigan.

Malalim ang kanyang relasyon sa kanyang mga alagad: Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin,… itinuring ko kayog mga kaibigan.

Nakaya at nagawa niyang sabihin sa kanila: “Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo.”

Maging sa kanyang mga alagad, mayroong mga malalapit sa kanya: Pedro, Santiago, Juan at Andres.

Nakikipagkaibigan siya sa mga dukha, inihiwalay at itinakwil ng lipunan.

Ikina-eskandalo ito ng mga Pariseo na tinawag siyang: “Matakaw at manginginom, kaibigan ng mga taga-singil ng buwis at mga makasalanan.”

Ang simbulo ng malalim niyang relasyon at pakikipagkaibigan sa iba ay ang kanyang pakikisalo sa hapag.”

6.  Nakikisalamuha at nagpapahalaga sa mga kababaihan

Tinatrato niya ang mga kababaihan ng may respeto at mayroon siyang mga kaibigang babae.

(mula sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas, Binisita ni Hesus is Marta at Maria)

Maraming kababaihan ang mga sumunod kay Hesus – na namahala sa kanyang mga pangangailangan at nanatili maging hanggan sa Kalbaryo.

Kung kaya, masasabi natin ibinilang niya ang mga kababaihan bilang kanyang mga kaibigan at mga alagad. Ito ay kakaiba sa kapanahunang iyon kung kalian ang mga kababaihan ay itinuturing na mabababa.

Sa Ebanghelyo ni San Juan mayroon isang senaryo na nakikiramay at pinalalakas ni Hesus ang loob nina Marta at Maria sa panahon ng kanilang kapighatian.

Siya ay lubhang naaapektuhan.

Malapit at malalim rin ang kanyang relasyon kay Maria Magdalena na kanyang pinagpakitaan nang siya ay mabuhay na mag-uli.

7.  Puno ng Habag

Siya ay isang taong puno ng habag at malasakit sa mga dukha, mga itinakwil, mga maysakit, inilayo, mga naghihirap at inaapi.

Nahabag siya sa kanila kaya’t pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.” (Mt. 14:14)

Ang salitang habag ay hindi sapat upang lubos na mailarawan ang naramdaman ni Hesus.

Sa salitang Griyego ito ay “splagchnizomai” na tumutukoy sa kagustuhang kumilos na nagmumula sa sariling kalooban.

Kung kaya, si Hesus ay madaling naaapektuhan ng paghihirap ng kanyang kapwa.

Ang lahat ng kanyang mga mahimalang ginawa ay namumula sa kanyang habag.

Ang kanyang mga ginawang pagpapatawad ay dumadaloy mula sa kanyang habag.

Madali siyang mapangiti at mapatawa.

Madali rin siyang umiyak, lalung-lalo na nang mamatay ang kanyang kaibigang si Lazaro at nang makita niya ang isang balong namatayan ng anak.

8.  May lakas at tapang ng loob

Si Hesus ay hindi natatakot na harapin ang kasamaan.

Hindi siya natatakot na tuligsain ang mga Pariseo na tinawag niyang mga mapagkunwari.

Kinundena o tinuligsa niya ang mga Pariseo dahil labis-labis ang kanilang pagpapahalaga sa mga batas at kabanalan samantalang kinalilimutan ang pagiging mahabagin.

Hindi siya natatakot na suwayin ang batas ng Araw ng Pamamahinga kapalit ng paggawa ng mabuti sa kapwa.

Hindi siya natatakot na palayasin ang mga namamalit ng salapi mula sa templo.

Kahit siya ay naging mababang-loob, hindi naman siya nananatiling mahinahon sa lahat ng oras, nagagalit rin siya sa pagharap sa kasamaan.

9.  Malaya

Siya ay tunay na malaya.

Kumikilos siya mula sa kanyang sariling paniniwala at paninindigan.

Hindi siya napipigilang ng kanyang kultura, mga gawi at mga batas ng kanyang panahon.

Hindi siya alipin ng pansariling pagtingin, takot, pagkamakasarili at pang-aabuso.

10. Para sa iba

Hindi siya namuhay para lamang sa kanyang sarili.

Namuhay siya para sa iba – para sa paglilinkod sa kaharian at sa sangkatauhan.

Punung-puno siya ng pagnanais para sa kaharian.

Siya ay isang taong punung-puno ng pag-ibig para sa iba – lalo na sa mga mahihirap, mahihina, at mga walang kumakalinga.

11. Buo ang pagkatao

Pinagsasama niya ang kanyang lakas ng personalidad at pagiging mahinahon

Nagagawa niyang magalit, tumawa at lumuha

Siya ay taong may panahon sa pagkilos at pananalangin at pagninilay

Iginagalang niya ang mga batas at tradisyon ngunit kung kinakailangan ay isinasaalang alang niya ito.

Siya ay puno ng habag ngunit nakakaya niyang tuligsain ang mga nangaapi at nang-aabuso sa mga tao.

Siya ay nag-aayuno ngunit masayang nakikisalo rin sa kanyang mga kaibigan

Siya ay nananatiling matapang at malakas ang loob at hindi natitinag sa kabila ng pagharap sa takot, at handing harapin maging ang kamatayan.