Now
Should
Be
Forever
Written by Kharu435 of Wattpad
()
@October 2011-January 2012
“Could now really last forever?”
All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^__^
(This story is the sequel of Love Team. Pero kung hindi niyo man po mabasa yun, okay lang kasi hindi naman sa characters ng Love Team umi-ikot ang story na ‘to. But I hope you could also check it out. Now, enjoy! To God be the glory!)
[PROLOGUE]
Maiksi lang ang buhay.
Ganyan ang palaging sinasabi ng marami.
Sa sobrang iksi, hindi mo na namamalayan ang paglipas ng oras.
That's why you have to spend the rest of your life with your loved ones.
You should be busy making yourself happy.
Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundo.
Pero paano kung malaman mo na kung kailan ang araw na yun?
Your days are NUMBERED.
Ni hindi mo pa nga nararanasang magmahal at mahalin.
You're HOPELESS.
But what if love comes..
In the most unexpected time and way?
Just when you thought everything would be over for you,
It just turned out to be the beginning of the life you've always been dreaming of.
But the question is..
Could NOW really last FOREVER?
(Credits to the pictures below. For imaginary purposes only. ^___^)
Israel “Popoy” Marques Kimberly Joyce Tiangco
Ace Gabriel Navaza Shayne Jimenez
Christian Lim Ciara Mae Clemente Ryan Louie Reyes Ezra Marques
Dexter Sanchez
Enzo Limuel Chu
Kurt de Leon
*black, bold fonts- EXTRAS
[Chapter 1]
“Pinsan, Room 435 ha? Bilisan mo!!” Pasigaw na sabi ng pinsan ko.
”Oo! Malapit na ako! Hintayin niyo ako jan!”
“Eh ‘tol! May pupuntahan din kaming mahalaga! Bilisan mo na lang! Sorry Poy!”
”ANO?? EH SINONG MAGBABANTA-----” Binaba niya ang telepono. Sh*t!
Kumaripas na ako ng takbo papunta sa pinaka-malapit na ospital. Ano ba kasi yung pupuntahan nila at mas importante pa ba yun sa nangyayari ngayon??
Naiinis din ako sa sarili ko, mas inuna ko pa ang barkada ko kaysa kay Mama!
Naka-rating ako sa ospital at nagmadali ako papasok.
”Ah Sir! Saan po kayo?” Tanong ng nurse. Crap! Nagmamadali ako!
“Room 435!” Tatakbo na sana ako nang mag-tanong siya ulit. Bwisit!!
”Kaanu-ano niyo po pala ang nandoon? Kada-dala lang po kasi ng pasyente na yun eh.”
”Siya ang pinaka-mahalagang babae sa buhay ko.” Iniwan ko na siya bago pa ulit magtanong. Ang daldal na nurse! Pati parang kinikilig pa siya. Ano kaya yun?
Kailangan pa bang tanungin kung ano ko ang nandun? Kung may common sense siya, alam niyang nanay ko yun! Isang mid-40s na babae, alangan namang kapatid ko? Tsk.
Takte! Ang bagal ng elevator! Kung pwede ko lang suntukin ’to, ginawa ko na eh.
Tumakbo na ako sa hagdanan, kailangan kong magmadali!!
Habang umaakyat ako, parang ang bagal ng oras. Naiisip ko lahat ng pinagdaanan namin ng nanay ko.
Siya na lang ang natitirang magulang ko. Iniwan kami ng tatay ko noon. Wala na kaming balita sa mga kamag-anak naming sa kanya, kaya yung mga kamag-anak ko lang kay Mama ang kilala ko. Wala na rin akong balak na maghabol sa tatay ko. Kaya naming dalawa ng nanay ko.
Kaya hindi ka pwedeng mawala Mama! Konti na lang, malapit na ako!
Isang floor na lang ang aakyatin ko.
”Room.. Haaaaaah! 435!” Hingal na hingal ako sa harap ng pinto. Takte. Kinakabahan ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Nakita ko siyang naka-higa sa kama at naka-talukbong ng kumot. Nakita kong humihinga pa siya.
”Pinakaba mo ’ko Ma.. Sorry.” Umupo ako sa tabi niya.
”Bakit ang payat mo yata ni Mama? Hindi ka na ba nakakakain ng ayos Ma? Napapabayaan ka nila Christian? Humanda yung mga yun sa’kin pag-uwi ko.”
Nakita ko rin yung kamay ni Mama, ang puti ah?
”Mukhang hindi ka na rin nakaka-labas ng bahay Ma.. Pangako, pag naka-labas ka na dito, ipapasyal kita kahit saan mo gusto, kaya pagaling ka ha?” Hinalikan ko ang noo niya.
Teka nga, nakaka-hinga pa ba ’to nang maayos? Nakatalukbong eh.
Dahan-dahan, tinanggal ko yung kumot.
.........
TEKA??!!! HINDI ITO ANG NANAY KO AH???
Masyado ’tong sexy at maganda para maging nanay ko! Hehe. Buti hindi ako naririnig ni Mama.
Patay! Magigising na siya!!
Unti-unti.. Iminulat niya ang mata niya. O___O
“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!! TRESPASSEEEEEEEEEEEEERRRRR!!! RAPIIIIIIIIIIIIIISSSSSSST!! NURSEEEEEEEEEEEE!! HE-------“
“Shhhht!! Miss! Wag kang mag-iskandalo!! Hindi—“
“AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! TULONG!!!!!” Tinakpan ko na ang bibig niya.
“Miss.. Wag kang maingay..”
“Hmmmmmmmmmmmff!! Huhuh!!! MMMMMMMMMMmmmmmmmmmmmmm!!” Takte! Bakit yun ang sinabi ko! Mas lalo akong nagmukhang rapist! Anak ng pating naman oh!
”Miss, listen. Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo, but promise me na hindi ka na mag-iiskandalo, okay? Wala akong gagawin sayo. Ako ang biktima rito. =__=” Humanda kayo sa’kin Christian. Malalagutan ko kayo ng hininga.
Tumango siya.
”Nagkamali ako ng pasok ng room. Ay hindi pala, pinag-tripan lang ako ng mga pinsan ko. Sabi nila, nandito daw ang nanay ko! Sh*t.. Akala ko totoo na!”
She giggled.
”Don’t cuss.. Haha!”
”Ow. Sorry.” Napansin kong mukhang malungkot siya. Gusto ko siya biglang... Samahan..
”Bakit pala mag-isa ka?” Tanong ko.
”Wala namang naga-aksaya ng panahon para asikasuhin ako eh..”
”Pamilya mo?”
”Busy silang lahat.. *sigh* Palagi naman eh..”
”Eh.. Ano bang.. Sakit mo?” Pansin ko kasi masyado siyang maputla.
”Ha?? Ahh.. A-ano!! Wala!! Nakakatawa kasi ano... D-diarrhea lang!” Nahihiya niyang sagot.
Hindi naman nakakatawa yun ah?
Pfft.. Hmmm.. Pff. Sabi nang.. Haha! Hindi sabi nakakatawa eh! Wag kang tumawa Popoy.. Bastos ka! Haha!!
”Oh, hindi naman pala grabe talaga eh. Dehydration lang ang pwede mong makuha. Eh ang nanay ko, may sakit sa puso kaya talagang dapat puntahan agad.” Pigil ko ang tawa ko.
”Siguro nga.. Kasi hindi naman ako importante.”
”Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.. Syempre, kung malala ka.. Aasikasuhin ka nila..”
May binulong siya pero hindi ko narinig.
”Ako nga pala si Popoy.” Ang pormal yata nun. Yak.
”Popoy? Haha! Sounds weird. I’m Kim.” Pangalan ko? Weird? Aba, aba, aba.
“Hoy, anong weird??”
“Hey! Chiill! I mean, you look uhmm… cool! Astig, tapos pangalan mo Popoy? Haha!!” Tumawa siya.
Nawala yung inis ko nung tumawa siya. Eh?
Maya-maya, tumatawa na rin ako kasama niya.
Ano bang klaseng babae ‘to? Kahit may diarrhea, maganda pa rin. Sana pala lahat ng may diarrhea kamukha niya. Haha!!
Ack. Ang bastos ko naman +___+
[Chapter 2]
**Kim’s POV**
I never thought I would enjoy a stranger’s company.
Sandali pa lang kaming nagkaka-usap pero sobrang komportable na akong kausap siya, though wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan niyang weird. ^___^
Eh kung ganito nga naman ka-good looking ang stranger, why not? Haha!
”Poy, may tanong ako.”
”Ano?”
”Popoy ba talaga ang pangalan mo?” Duda kasi talaga ako. Haha!
”Hindi.” I knew it!!
”Eh anong tunay mong pangalan? Full name na.”
“Israel Marques.”
Eh??
“Israel?? Popoy? Ang lapit ha?? Saan naman nahugot yung Popoy?” Kung makapag-react ako, kala mo close talaga kami eh no. Haha!
Namula siya bigla. OmO
”Dali naaaaaaaaa!! Sabihin mo na!!!” I’m dead curious! Haha!
”Wag na. Nakaka-hiya..”
“Pfft. Mas nakakahiya pa ba sa pag-sabi kong may diarhhea ako?” Crap, inulit ko na naman.
He sighed.
”Kasi, nung bata ako.. Paborito ko daw yung.. Yung Popoye the sailorman..”
SERIOUSLY???
“O-oh?? T-tapos??” Grabe na!!! Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang pigilin ang tawa ko. I don’t want to offend him. Haha! Mas mukha pa siyang constipated kesa sa’kin! XD
“Ayun.. Palagi ko daw.. Kinakanta yung kanta nun.. Tapos.. Imbis na Popoye… Popoy ang sinasabi ko.. Kaya yun ang tinawag nila sa’kin..” Mahina niyang sabi. I even heard him cuss. Haha!!
It’s really funny! Kung pwede lang humiga sa sahig kakatawa ginawa ko na. But he look so cute while blushing!! Kanina lang mukha siyang astig at cool, ngayon.... No comment haha!
“Hindi ka ba tatawa? Hindi mo ako tatawanan?” Tanong niya. Naku, kung alam mo lang. XD
”There’s nothing wrong with uhmm.. Popoy. Cute naman eh! Haha!” Nag-blush ulit siya. Haha!!
“Eh ikaw, full name mo?” Tanong niya.
“Ah, Kimberly Joyce Tiangco.”
“Tiangco?”
“Yup ^___^”
“Tiangco?? As in.. Masakit ang TIANGCO??!! PUHAHAHAHAHAA!!!” He’s laughing like there’s no tomorrow. =____=
Pagkatapos kong pigilan ang tawa ko kanina, eto lang?
“Hey!! Wag mong babuyin ang last name ko! Bwisit ka!”
“S-Sorry!! Haha! Hindi na, hindi na talaga.. ahaha!” Pinakalma niya ang sarili niya.
”Hmpf.”
”Sorry na, haha! Nga pala, kelan ka raw makakalabas?”
”Hindi ko pa alam eh.. Wala pang update ang doctor ko.”
”Eh gaano katagal ka na ba rito?”
”Magwa-one week na siguro..”
”Ang tagal mo na pala? Kaya pala ang putla mo na.”
Aww.. Maputla na ba talaga ako? T___T
”Edi ang tagal mo nang absent?” Tanong niya.
”Obvious ba?”
”Sabi ko nga. Haha! Anong year mo? Saang school?”
”Senior, Eastmead High..”
”Oh? Pareho tayo!! Section mo?” Pareho kami? Bakit di ko siya nakikita??
”IV-2, ikaw? Ang galing!!”
”Aww. IV-4 ako eh.” Kaya pala, hindi naman ako gala sa campus.
Tumingin siya sa orasan.
”Hey, Kimmy. Tanghali na pala, Kailangan ko nang umuwi, baka nandun na si Mama. Uhh.. Bibisitahin na lang kita rito kapag may time ako, para hindi ka naman lonely. I had a great time. Salamat.” We shaked hands and he headed to the door.
“Uhmm.. Kim?”
“Yes?”
“Tawag ka ng nurse kapag sumakit yung TIYANMO ha?? HAHAHAAHA!!!” Tumakbo siya palabas.
LALAKING YON?? UGH!! Bakit ko kasi sinabing may diarrhea ako!
Napangiti na lang ako nung ma-realize kong mag-isa na lang ulit ako sa kwarto. Ilang linggo na ko rito, pero ito pa lang ang pangalawang beses na may bumisita sa’kin. Una, nung hinatid ako rito pagkatapos kong mag-collapse sa school.
Bilang lang din ang mga ka-close ko sa school. Tapos busy ang lahat doon palagi.. No one has their time for me.
Pero si Popoy, ni hindi ako kilala.. Within an hour, he became one of those few persons who knows me.. The other side of me.. The real me.
Siguro, kapag nagkita kami sa school, maninibago siya sa ugaling ipapakita ko. Pero mukhang matatagalan pa ako rito eh. *sigh*
Till then, I’m looking forward to seeing him again.
[Chapter 3]
**Popoy’s POV**
Naka-ngiti-- Ay. Nakatawa pala.
Nakatawa akong lumabas sa room 435. Sinong maga-akalang mage-enjoy ako ng todo na kausapin ang isang babae na ngayon ko lang nakilala? Masaya siyang kausap at kwela rin. Hindi siya maarte at hindi rin pa-cute katulad ng iba. Hindi mo mahahalatang may sakit siya.
Kung tutuusin, diarrhea lang nga naman kasi ang sakit niya. Pero siguro mahina rin ang resistensiya niya. Kapag ako kasi, nagkaka-diarrhea, banyo lang ang katapat.
Pumasok sa isip ko yung nurse kanina. Kaya pala parang kinikilig yun kanina? Crap. Nasabi ko pa yung cheesy line na yun sa kanya. Malay ko bang hindi naman pala nanay ko ang nandun?
At hindi porke’t nag-enjoy ako kasama ng taong nasa kwartong yun eh maliligtas na ang mga pinsan kong ulol. Humanda sila pag-uwi ko. Alam kong nagta-tago na yung mga yun ngayon. Ganun naman sila eh. +__+
Buwan-buwan may bago silang plano para pagtripan ako. Malala nga lang talaga yung ngayon. ’Wag lang silang papahuli sa’kin.
Tinext ko si Mama kung nasaan siya, nasa bahay pala nung bestfriend niya. Hahayaan ko na lang siyang mag-enjoy dun, ayaw kong makita niya ang madugong kahihinatnan ng mga pinsan ko, lalong lalo na si Christian, siya ang pinaka-ulol samin.
Tinext ko rin si Christian na hindi ko naman usually ginagawa.
To: ‘Insan
Prepare to die.
Nakanaman!! Lambot na ang tuhod niyan panigurado. Haha! Kahit naman mag-tago sila, pare-pareho lang kami ng pinapasukan, kaya makikita’t makikita ko sila. Yun nga lang, sa Lunes pa. Sabado lang ngayon eh.
Maya-maya, tumunog yung cellphone ko.
Tumatawag si Kurt, tropa ko.
”Oh, P’re, napatawag ka?”
“’Tol, busy ka?” Kapag nag-tatanong siya kung busy ako, ibig sabihin may problema.
“Bakit?”
“May riot eh.”
“Saan? Sino sa tropa ang napasama?”
”Sa 3rd street. May mga trespassers kasi galing sa kabilang grupo, nagka-taong napadaan doon sina Dex at Louie. Kahit pa kayang-kaya naman nila ang mga ga**** yun, masyado silang marami kaya dehado sina Dex..”
”Sakto, malapit na ako dyan. Susunod pa ba kayo?”
”Tss. ’Di na, kaya mo na yan tsong.”
”Tamad ka talaga. Haha! Sige”
Binaba na niya yung telepono. Si Kurt ang nakaka-alam ng lahat ng nangyayari sa mga teritoryo namin, kapag may gulo, ire-report niya kaagad sa’kin. Ako ang boss eh. Haha! Pero tropa ko silang lahat. Buong kalye ng village namin eh teritoryo namin. Twenty-four streets lahat-lahat. At kung inaakala niyo na salot ang turing sa’min ng mga naka-tira rito, maling-mali kayo.
Parang mga superhero kami rito. Yung mga gang lang naman sa ibang village ang mahilig manggulo. Armado sila palagi kaya hindi kaya ng mga tanod. Sa amin na sila pinapaubaya. May access din kami sa mga CCTV cameras sa buong village at obviously, si Kurt ang may hawak nun. Barkada rin namin pati mga guards dito.
Hindi rin kami yung tipo ng gang na hithit dito, tungga doon. Hindi kami cheap.
Game na game lang kami sa bakbakan. Yun lang. Anak mayaman kaming lahat eh. Gwapo pa. B’D
Pagka-liko ko sa 3rd street, nakita ko kaagad sila. May konting galos na sina Dex at Louie, mga sampu na ang bagsak sa kalaban at may sampu pang natitira.
”Mga tsong! Pagod na kayo. Ako na dyan.” Sabi ko.
”Poy!! Sige, amoy pawis na kami. May date pa kami!” Sabi ni Dex. Tinapik nila ang balikat ko at umalis na.
Hindi sila duwag, alam lang nila na hindi ako mahihirapan dito. Kaya nga leader ako eh.
”Oh, sino naman ’tong mayabang na ’to?” Sabi nung isang matangkad. Tss. Mukang Frankenstein.
”Akala niya siguro kaya niya tayo. Eh yung dalawa niya ngang kakampi hindi tayo kinaya eh. Siya pa kaya na mag-isa lang?” Aba, minamaliit ako ah.
Nag-bang sign ako sa CCTV camera sa may light post. Alam kong nanunuod si Kurt doon.
Nayabangan yata sa inasal ko yung mga kalaban at nag-simula silang sumugod. Nauna yung pinakamaliit. Ano ’to, by height?
”Yaaaaaaaaaahhhhhhh!!!” Sinubukan niya akong suntukin.
”Ay teka, yung sintas ng sapatos ko natanggal.” Yumuko ako at inayos yung pagkakabuhol ng sintas ko. Dahil dun, natisod yung susuntok sa’kin at naka-iwas ako. Boring. =___=
Inis na inis yung bugok at sinubukan ulit akong suntukin pero tumagilid ako at naka-iwas ako sa kanya.
”Yan lang ba? *yaaaawn*”
”Aba’t bastos ka ah? BOYS! Sugod!” Nagsabay-sabay na sila. Hay. Kahit gawin niyo ‘yan, wala kayong mapapala.
Susuntok sila, iiwas ako at sisipain sila. Kapag natumba na, tatapak-tapakan ko pa. Kapag makulit, sinisikmuraan ko na. Takte, ang gagabok nila. =__=
”Oh, sino pa? Dali. Maliligo pa ako.”
Nag-takbuhan sila palayo. Tsk. Mga duwag.
Nagulat na lang ako nang lumabas lahat ng tao sa mga bahay nila magpalakpakan. Aba nga naman, heroes’ welcome! Haha!
”Sige po..” Sabi ko at nag-lakad na pabalik sa bahay.
Pag-uwi ko sa bahay, wala pang tao. Mukhang nagtatago nga yung mga pinsan ko, hindi sila naka-tambay eh. Dapat lang.
Naligo ako at nagbihis. Ano kayang gagawin ko?
Matutulog na lang sana ako nang maalala ko bigla ang dapat kong gawin.
TAKTE. MAY TATLONG PROJECT PA NGA PALA AKONG GAGAWIN!!