One-Shot Stories

(A compilation of short stories written by Kharu435 of Wattpad)

All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered without the author’s consent. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^_______^

l wattpad.com l ©2012

Story No. 1

Love is Magic, Indeed

Magkaibigan.

Ganyan tayong dalawa.

"Best Friends" pa nga diba?

Palagi tayong masaya, palagi tayong magkasama..

Pag-pasok, pag-uwi, pag lunch time, free time.. minsan nga kahit weekends pa..

Yan ang bestfriends!! Hindi nag-iiwanan.. Best Friends Forever kaya tayo!!!

Pero, noon lang pala yun.

Noong bago ko naramdaman 'tong kakaibang pakiramdam na 'to.

Alam ko, hindi na lang bestfriend ang turing ko sayo..

Mahal na yata kita eh. :(

Masisisi mo ba 'ko? Sabi nga nila perfect catch ka na raw eh.

Tapos ako pa na araw-araw mong kasama, hindi mai-inlove sa'yo?

Ilang taon ko ring inalagaan ang pagka-kaibigan natin.

Natatakot akong masira ko yun.

Ayokong layuan mo 'ko.
Ayokong iwasan mo 'ko.

Ayos lang kahit nasasaktan ako sa bawat sulyap ko sa'yo..

Alam ko namang hindi lalampas sa best friend ang turing mo sa'kin..

Ay, Pwede pala. ^__^

Bilang kapatid =((

Ayos na sa'kin yung hindi mo suklian ang pagmamahal ko..

'Wag mo lang kukunin sa'kin yung mga bagay na bumubuhay sa puso ko ngayon..

Sa puso ko na unti-unting nadudurog sa bawat ngiting pinapakita mo..

Yung bati mo sa'kin tuwing umaga..
Yung boses mo na nakakapagpa-talon sa puso ko..
Yung ngiti mong bumubuo sa araw ko..
Yung mga biro mo na kahit nakakainis na, napapakilig pa rin ako..
Yung mga jokes mo na kahit sobrang corny, napapangiti pa rin ako..

At higit sa lahat..

Yung presensya mo.

Basta alam kong nasa tabi kita, ayos na ako.

Martir ba? Ayoko lang talagang mawala siya sa'kin

Nakayanan ko naman.

Naitago ko lahat-lahat kahit araw-araw, parang sa isang maling galaw lang ng dila ko, mawawala lahat ng pinag-hirapan ko.

Kaso, isang araw..

"Pamsy Best friend!!!" Sabay ngiti niya sa'kin.

Nginitian ko rin siya, umaasa na balang araw, hindi na lang best friend ang kadugtong ng pangalan ko..

"Morning Dan.."

"May sasabihin sana ako eh.."

"A-ano yun?"

"Pwede ba dun sa tayong dalawa lang?"

Ano kayang sasabihin niya?

"Oh, ano na?"

"Uhh.. Ano kase.."

"Hmm??"

"Ikaw lang ang babaeng napalapit sa'kin ng ganito.. Alam mo yan.."

Ang lakas ng tibok ng puso ko..

"Kaya gusto kong sabihin to sa'yo, gusto kong ikaw ang unang maka-alam.."

Napa-ngiti ako..

"Liligawan ko na si Aileen.."

Sa oras na yon, gumuho ang mundo ko.

- - -

Katulad nga ng sinabi niya, niligawan niya si Aileen.

Maganda siya, bagay sila.

Masakit.

Pero masaya siya eh. Sobra. Kaya palalayain kita, kahit na in the first place, noon ka pa naman malaya.

Ginawa ko lahat para iwasan siya.. Hindi ako nagpupunta sa tambayan kahit alam kong araw-araw hinihintay niya ako doon.

Hahayaan kong maging masaya sila. Yun naman ang role ng mag-bestfriend diba? ANg pasayahin ang isa't-isa?

But in my case,

Siya lang ang masaya.

Ilang buwan na ang lumipas. Walang nagbago, mahal ko pa rin talaga siya.

Wala na akong balita sa kanya. Hindi nga niya ako hinahanap eh.

Baka sila na ni Aileen.

Ayoko nang masaktan. Ngayon ko lang na-realize yun.

Kung kelan patay na ang puso ko..

[ PROM DAY ]

Wala akong date. Required lang talaga sa amin ang pumunta dito... kahit na ayaw ko, kasi baka may makita akong kung ano, pumunta na rin ako.

Lahat ng mga kaibigan ko nagsasayaw na.. Habang ako, nandito sa table mag-isa.

Nakaisip ako ng solusyon.

Lumabas ako ng gym at nagpunta sa fields. Dito, walang love songs at walang love birds. Tahimik, stars lang ang kasama ko.

Maya-maya..

"PAMSY!! PAMSY! hAA!" Hingal na hingal si Kathy.

"Oh, anong meron Kathy?" Tumingin ako sa orasan.. 9:30 PM

"E-eto, para sayo, sa bag ko napalagay pero mukhang sayo. Ang layo naman kasi ng pinuntahan mo, mage-emo ka na nga lang! Geh!"

Tiningnan ko yung... Sulat??

"To the one with curly hair, wearing a tiara and a pink gown."

No doubt, sa'kin nga 'to.

Sa unang linya pa lang ng sulat, kumirot kaagad ang puso ko.

"Best Friend, I miss you.."

Nakakainis. Sobra. =((

"Galit ka ba sa'kin? Bakit mo 'ko iniiwasan? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo??"

Hindi mo ba alam na mas nasasaktan ako??

"Bigla-bigla ka na lang umiiwas ng walang pasabi kung bakit. Halos mabaliw na 'ko alam mo ba yun? Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sabihin lahat sa'yo.."

Sinasabi nito?

"Hindi naging kami ni Aileen.."

So? Ano kailangan mo ng karamay?

"Kasi, hindi niya ako mahal.. At hindi ko rin naman siya mahal."

"Walang anumang namagitan sa'ming dalawa.. Lahat yun palabas lang.. Palabas na pinlano ko talaga para sa'yo.. But unfortunately, mukhang hindi gumana. Masaya ka talaga sa nangyari eh.. halos ipamigay mo na nga ako sa kanya.."

Napapangiti ako. Bwisit.

"Akala ko kasi, kapag ginawa ko yun.. Mapapansin mo ako.. Mapapa-amin kita. Kaso, TAKTE. Mas matatag ka pa yata sa'kin! Best friend nga lang ata talaga ang tingin mo sa'kin.. naperwisyo ko pa tuloy si Aileen. Bakit ba ang manhid mo ha Pamsy??"

Aba. Ako dapat ang nagsasabi niyan ah?!

"Hoy engot. Mahal kita! Hindi mo ba napapansin na palagi akong nagpa-pagwapo para sa'yo kahit alm kong sobrang gwapo ko na? Palagi akong nagpapa-cute sa pag-ngiti kahit hindi ko na kailangan yun? MAHAL KITA HIGIT PA SA BESTFRIEND!!"

FOR REAL?? O_________O

'P.S. pasensya na, torpe ang best friend mo. Mahal lang talaga kita kaya ayaw kong mawala ka sa'kin. Pero ngayon, hindi ko na kaya eh..
Kung willing ka pang bigyan ako ng chance, punta ka sa tambayan ng 9PM. I'll be waiting for you no matter what, gaya ng lagi kong ginagawa. I love you."

Totoo ba 'to? As in??!!

All this time.. pareho lang pala kami??

Ay tangek!

9:45 PM na!!

Tumakbo ako, tinanggal ko na yung heels ko para hindi hassle. Late na 'ko!!

Nakarating ako by 9:50.

Nagulat ako sa nakita ko..

A table for two..
Yung flowers naka form ng heart..

It was perfect.. Except for one thing..

Walang Dan na nagpakita sa'kin..

Nung lumapit ako sa table, may nakita akong letter.

"Sabi ko na, hanggang best friends lang talaga tayo. Sorry for the corny letter."

Tumulo na lang yung luha ko.

This was all I've been dreaming of.

Tapos ano? Sinira ko lang?

"Nakakainis! Ikaw naman, Sabi mo you'll wait for me no matter what??!! Wat-watin ko mukha mo!!"

Ako napaka-raming patience ang binigay sa kanya.. Tapos siya, 50 mins. lang akong late hindi pa niya nahintay??

Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa'kin galing sa likod..

"Kala mo iniwan kita? 'To naman walang tiwala sa'kin! I told you I'd wait for you no matter what, right? Tinetest ko lang kung mahal mo rin ako.."

Kung mahal mo 'RIN' ako.. Sarap pakinggan.. ^____^

"Bwisit!! Naka-kainis ka!!"

"Tsk. Common sense Pamsy, tngin mo maga-abala pa akong mag-iwan ng letter dito kung alam kong 'di ka pupunta? Syempre alam kong wala kang ligtas sa ka-gwapuhan ko kaya pupunta ka at mababasa mo yun. The perfect crime. Bwahahaha!! Iniiyakan mo pala ako ha? Uyyyyyyyyyyyyyy.. Hahah!!"

"Ah ganun? Pag-katapos ng lahat ng ginawa mo sa'kin, tatawanan at aasarin mo lang ako?"

"So? It's my way of showing you how much I love you. Matatpos na ang prom, could i be your first and last dance?"

"Sure thing"

Then we danced. Ngayon, hindi na lang one-sided ang lahat. Wala nang nasasaktan.

Ni minsan, hindi ko pinagsisihang minahal ko siya.

Love is Magic, Indeed.

Story No. 2

Glimpses of You

These are lines which never meet and never intersect.

That defines parallel lines. That defines US.

We always go the same way, the same direction.

But we never meet. We never crossed the boundaries.

Hindi yata tayo pwedeng mag-kasama.

Dadaan ka, titingin lang ako..

Lalampasan mo ako, susundan lang kita ng tingin ko.

Ang hirap mong maabot..

Kuntento na ako sa pag-titig sayo sa malayo.

”Pam! Tingnan mo, nagla-laro sa labas ang soccer team!!” Napa-tayo ako. Sa tuwing naririnig ko kasi ang ’soccer team’, Nabubuhayan agad ako.

”Asan? Asan?” Tanong ko kay Angel, bestfriend ko.

”Halika sa bintana, dali!!” Hinila niya ako papunta sa bintana. Buti na nga lang naka-singit pa kami, halos lahat kasi ng kaklase kong babae naka-dungaw na.

Namangha na naman ako sa nakita ko.

”Ang galing talaga ni no. 18 no? No wonder crush mo siya..”

“Shhh!! Wag kang maingay baby!!” Baby ang tawagan namin ni Angel. Haha!

”Wag maingay-Wag maingay ka jan. Eh siya na lang ata sa buong mundo ang hindi nakaka-alam na crush mo siya eh.”

Yun na nga eh. Madaming may alam, Oo. Pero siya? Mukhang hindi eh.

Oh baka naman alam niya, pero ayaw niya sa’kin.

Tahimik akong sinusundan ang bawat galaw niya habang nagla-laro.. Kahit yata patak ng pawis niya, nabibilang ko..

Sa ilang taon na nagdaan, Expert na ako sa pagtitig sa kanya. Di ko na kailangan ng magnifying glasses para makita ko yung maliliit na bagay tungkol sa kanya.

Saulado ko kung paano siya pumorma, yung posture niya at yung built ng katawan niya. Kahit naka-talikod siya at kahit gaano pa siya kalayo, kilala ko pa rin na siya yun.

Hindi ako stalker, okay?

”Baby.. Baka matunaw siya niyan ha!”

”Kung totoo ngang nakakatunaw ang pagtitig ko, dapat matagal na siyang natunaw ’no.”

Nagtatawanan kami nang ibalik ko ang tingin ko sa fields..

Nakita kong naka-tingin din siya sa’kin. Lumingon pa ako sa mga kaklase ko para masigurado ko na sa akin nga siya naka-tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko..

*kurap* *kusot mata* *kurap*

Kinusot ko ang mata ko, kumurap din ako ng ilang beses.. Mga 10 secs ata yun. Baka kasi nama-malikmata lang ako. First time niyang tumingin sa akin!

Naka-ngiti kong iminulat ang mata ko, hoping na sa pag-mulat ko, makikita ko ulit siyang naka-tingin sa akin.

But instead, I saw an empty field.

Wala siya, wala ang team mates niya.

Mukhang guni-guni ko nga lang yun..

Nag-simula na ang klase. Iniisip ko talaga yung nakita ko kanina. Nakaka-praning pala talaga kapag tiningnan ka ng taong gusto mo!

Kahit sa imagination lang..

[ Breaktime ]

”Baby, baba tayo.. Nagu-gutom ako eh..” Minsan lang kami bumaba ni Angel.. Nagba-baon naman kasi kami madalas.

Nagu-usap kami, paliko na kami sa kabilang building..

”Baby anong bibi---” Hindi nai-tuloy ni Angel ang sasabihin niya kasi bigla ko siyang hinila sa pader bago pa siya maka-liko.

”Aray masakit ha! Ano bang problema, bigla-bigla kang nanghi-hila??!” Inis na sabi ni Angel.

”Si ano.. Si Keith dadaan” Tiningnan ako ni Angel.

”Dadaan lang pala eh! Eh bakit kailangan mo pa mag-tago??”

Bakit nga ba ako nagta-tago? Nahihiya kasi ako sa kanya..

Eh bakit ako nahihiya? As if naman titingnan niya ako. Ako lang naman ang mahilig tumitig eh..

”Eh.. Sorry.. Tara na..” Tumuloy na kami ni Angel sa cafeteria, bumili ng pagkain at umupo sa table.

Gosh.. Nandun din siya. Six tables away.

As usual, binubusog ko na naman ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Kahit wag na akong kumain, okay lang. XD

Ganun lang naman ang buhay ko araw-araw eh. Kuntento na sa iba’t-ibang ekspresyong nakikita ko sa mukha niya.

I feel happy everytime I see a different expression from him.

Parang unti-unti, nakikilala ko rin siya..

Yung Keith na masaya, malungkot, galit, pagod, gutom, napahiya, nalilito,at kahit tulog.

”Baby, sure ka na hindi ka sasabay pauwi?” Labasan na, pinapa-una ko si Angel, may gagawin pa ako eh.

”Nope. Madami akong gagawin sa library eh, baka gabihin ako.. Pwede naman akong mag-pasundo..”

”Okay.. Ingat ka na lang ha? Text mo ko. Bye!”

Nagpunta na ako sa library. Ang dami kong ire-research!!

“Homer… Iliad.. Odyssey..” Binubulong ko yung mga kailangan kong libro habang nagti-tingin sa bookshelves para hindi ko makalimutan.

”Homer... Iliad.. Ody--- Ayun!!!” Sa wakas! Nakita ko rin!

Dalawang libro ang nakita ko kaya nung inalis ko, natumba yung ibang libro sa shelf. Mabait ako, kaya inayos ko. Ang kakapal nung libro kaya malaking space ang nabawas sa shelf.

Nung naayos ko na, nagulat ako sa nakita ko sa kabilang side ng shelf.

”K-Keith?” Bulong ko.

Siya nga! Nagba-basa siya ng.. Twilight series??

Shocks.. Hindi ko na naman maigalaw ang paa ko.. I just can’t get enough of his sight.

Ito na yata ang pinaka-malapit na distansya na narating ng titig ko sa kanya.. Yung bookshelf lang ang pagitan namin!!

Anong gagawin ko? Magha-Hi? Hello? Kakausapin ko ba siya??

Nag-iisip ako ng gagawin nang bigla niyang isinara ang libro at mukhang ibabalik niya na sa shelf. O___O Makikita niya ako!!

Mabilis ang reflexes ko at yumuko kaagad ako para hindi niya ako makita.

Maya-maya, umalis na siya.

*sigh* another wasted opportunity. Mukhang kahit kelan, hindi ko na masasabi sa kanya ’to.

Nag-tuloy na ako sa pagbabasa ng mga libro.. gagawa pa ako ng book reports. Sana lang makapag-focus ako. Ang gwapo niya pala sa malapitan!!

Mga 7PM na ako naka-uwi.

Kumain lang ako, nag-shower at dumiretso sa kwarto.

Pero hindi pa ako natulog. Tinitigan ko muna yung stolen shots niya sa cellphone ko. Hah! Kumpleto yata ako! Hindi siya makakatakas sa mga titig ko kahit nasa bahay na ako.

Kinabukasan, nag-commute na ako papuntang school. Maaga pa naman eh.

Sumakay ako, medyo maluwag pa.

”Bayad po..” Inabot ko ang bayad. Pinagpasa-pasahan yun ng mga pasahero, Nasa dulo kasi ako, sa may pintuan ng jeep. Favorite spot ko kasi ’to.

Tumigil ang jeep. Psh. Traffic. Buti pala inagahan ko.

Napa-tingin ako sa jeep na nasa likod namin.. Particularly, sa taong naka-upo dun sa tabi ng driver’s seat.

Naka-cap siya at naka-tungo. Pero alam kong siya yun.

Ang gandang view naman nito! Ganda ng start ng araw ko! Haha!

Maya-maya, tumingala na siya at tumingin sa unahan..

*gasp*

Nagulat ako, sumandal agad ako sa upuan at isiniksik ang sarili ko para hindi niya ako makita. Naman!! Bakit ba lagi na lang ganito!! Pinagti-tinginan tuloy ako ng mga tao.

Ganun ang posisyon ko hanggang sa makarating ako sa school. Aray. Nangalay ata ako sa posisyon ko kanina. Bakit kasi hindi umaalis sa likod ng jeep na sinasakyan ko yung jeep na sinasakyan niya.

Namitig yung paa ko, kaya pagbaba ko sa may gate halos matumba na ako.

”Aray!!” Matutumba na sana talaga ako pero may humawak sa’kin.

”Miss, okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Tumingala ako, at nakita ko siya. O///////////O

”A-ah? H-hindi ah!! Ang sarap nga eh—Eh Este!! Okay lang ako! Haha! Sige Thank you!!!” Nagta-takbo na ako papasok sa campus. Ano ba yung pinagsasa-sabi ko?? Nakaka-hiya!! Wa poise!!

Mabilis akong nakarating sa room. Hindi ako makaget-over sa nangyari. His voice is so manly! Mas malapit pa ang distansya namin kaysa kahapon!!

“Ngiti ka dyan??”

“Baby, ang gwapo niya pala sa malapitan..”

”You mean, naka-usap mo??”

“Oo!! Ang gwapo rin ng boses niya!!”

“Oooooh? Lume-level up ka na sis!! Haha!”

“Oo, kaso nakaka-hiya talaga yung pinagsasabi ko kanina..”

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari, tinawanan niya lang ako. Ah basta! Masaya ako! Haha!!

Maganda talaga ang mood ko ngayong araw. As in!!